Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Sheridan Voysey

Nagmamalasakit ang Dios

Nakakamangha ang kalawakan. Umiikot ang buwan ng 2,300 milya kada oras. Umiikot naman ang mundo sa paligid ng araw ng 66,000 milya kada oras. Ang ating araw ay isa lang sa 200 bilyong bituin. Trilyon naman ang bilang ng iba pang mga planeta.

Parang maliit na bato lamang ang ating mundo at maliliit na butil naman ng buhangin ang mga tao…

Isa Pang Taon

Puputulin ko na sana ang tanim kong puting rosas. Sa tatlong taong paninirahan ko sa aming bahay, hindi ito masyadong namulaklak at hindi rin maganda ang pagkalat ng mga sanga nito sa aming bakuran.

Pero dahil masyado akong abala, hindi ko naituloy ang pagputol dito. Pagkaraan ng ilang linggo, nagulat ako nang mamulaklak ito ng marami. Napakaganda at napakabango ng mga…

Napakabango

Minsan, nagkuwento ang sikat na manunulat na si Rita Snowden tungkol sa pagbisita niya sa isang maliit na bayan. Habang nasa isang kainan daw siya, nabaling ang kanyang atensyon sa naamoy niyang mabango. Kaya, tinanong niya ang empleyado ng kainan kung saan iyon nagmumula. Sinabi naman nito na mula iyon sa mga empleyado ng pagawaan ng pabango. Dumikit na kasi sa…

Tunay na Pagkatao

Naatasan ang pintor na si Graham Sutherland na ipinta ang larawan ng sikat na mambabatas na si Winston Churchill. Ipagdiriwang kasi ni Churchill ang kanyang ika-80 taong kaarawan. Nais makita ni Churchill sa larawan ay kung ano ang pagkakakilala sa kanya ng mga tao. Pero sabi ni Sutherland ang iguguhit niya raw ay ang tunay na pagkatao ni Churchill..

Hindi nagustuhan…

Hari ng Alon

Si Haring Canute ang isa sa pinakamakapangyarihang tao noong mga taong 1100. May sikat na kuwento tungkol sa kanya. Minsan daw, nasa tabing dagat si Haring Canute. Dahil tumataas na ang tubig, inutusan niya ang dagat na huminto. Iniisip kasi ni Haring Canute dahil hari siya, dapat lahat ng nasa paligid niya ay susunod sa kanya. Pero hindi iyon nangyari, patuloy…